Home NATIONWIDE Recto nangakong makikipagtulungan sa Ombudsman sa P60B PhilHealth fund transfer probe

Recto nangakong makikipagtulungan sa Ombudsman sa P60B PhilHealth fund transfer probe

302
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Executive Secretary Ralph Recto na ganap siyang makikipagtulungan sa Office of the Ombudsman kasunod ng paghahain ng reklamo na may kaugnayan sa paglilipat ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) funds sa National Treasury.

inihayag ito ni Recto matapos na maghain ng reklamo ang Save the Philippines Coalition ng technical malversation, plunder, at grave misconduct laban sa kanya at kay dating PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr.

Nag-ugat ang reklamo mula sa paglilipat ng P60 billion na PhilHealth reserve funds sa National Treasury sa panahon ng termino ni Recto bilang Kalihim ng Department of Finance.

“I respect every citizen’s right to seek redress before the courts and will fully cooperate with the Office of the Ombudsman during the conduct of preliminary investigation,” ang sinabi ni Recto sa mga mamamahayag sa isang text message.

Sinabi pa niya na tanggap niya ang pagkakataon na matugunan ang alegasyon na isinampa laban sa kanya at binigyang diin na mabibigyang linaw ang usapin sa pamamagitan ng tamang legal channels.

“I welcome the opportunity to clarify the issues raised by the Save the Philippines Coalition, with representation by the Office of the Solicitor General,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sa kabila ng mga reklamo, nananatili namang naka-pokus sa kanyang tungkulin si Recto bilang Executive Secretary at hindi papayagan na madiskaril ng usapin ang kanyang trabaho sa gobyerno.

“Nevertheless, I will not get distracted by political noise. The work of improving government performance and services is my priority. I will let my lawyers address those issues,” ang sinbi ni Recto.

Samantala, Inihayag ng Supreme Court Justices na kahit pa idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang probisyon ng 2024 General Appropriations Act at ang memo na inilabas ng Department of Finance (DOF) na nagbigay daan sa paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa National Treasury ay walang criminal liability dito si Recto.

Ayon sa mga justice, sinunod lamang ni Recto ang atas sa kanya ng 2024 GAA na inaprubahan ng Kongreso ng ilabas nito ang DOF Circular 003-2024, kung kaya nailipat ang P60 bilyong pondo ng PhilHealth sa National Treasury noong 2024.

Ang Kongreso, na may tanging kapangyarihan sa pambansang pondo, ay inatasan ang DOF, sa pamamagitan ng GAA, na ilipat ang pondo ng PhilHealth at iba pang GOCC upang mapondohan ang iba pang proyekto at programa ng gobyerno.

Sa isang press briefer na inilabas matapos ilabas ng SC ang desisyon nito na nagpapawalang-bisa sa mga probisyon ng 2024 budget law at sa DOF memo hinggil sa cash sweep ng sobrang pondo ng mga government-owned or controlled corporations (GOCCs), sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na walang criminal liability na maaaring ikabit kay Recto, na siyang Finance secretary nang ipatupad ang naturang probisyon dahil ginawa niya in good faith ang pagpapatupad ng natulang probisyon.

Ayon sa mga eksperto, dahil sa pananaw ng mga Mahistrado na walang kriminal na pananagutan si Recto sa pag-isyu ng DOF memo, masasayang lamang ang pagod ng ilang grupo na nais na kasuhan si Recto.

“In my more than 30 years in government, this is the first case of such kind that I have confronted, and view it as part of public service,” ayon kay Recto. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here