Home ENTERTAINMENT Regine, nanupalpal ng basher!

Regine, nanupalpal ng basher!

Manila, Philippines – Nakahanap ng maraming kakampi si Regine Velasquez nang supalpalin nito ang kanyang basher sa X (dating Twitter).

Hindi malinaw ang eksaktong pang-ookray ng basher sa Asia’s Songbird.

Pero naka-off na ang account nito na may user name na Maxhie.

Medyo may kahabaan ang buwelta ng mang-aawit.

Obyus na may kinalaman sa kanyang free concert next year ang komento ng basher.

Ani Regine: “I’m not forcing you if you don’t watch it. Okey lang kung ayaw mo sa akin!”

Mas matindi ang sumunod niyang linya: “Kung magsalita ka, parang ikaw ang bumubuhay sa akin! When did I ask money from you for anything that I need?!”

Lumalabas kasing utang na loob pa ni Regine kung panoorin siya o hindi, gayong libre naman siyang magtatanghal.

Besides, dagdag ni Regine–choice ng basher kung manonood siya o hindi ng kanyang show.

Wala naman daw pilitan ‘yon!

Pinakalma naman siya ng kanyang mister.

Post ni Ogie Alcasid: “I love you, Baba!”

Nagkakaisa ang mga netizens na makatwiran lang ang ginawang panonopla ni Regine.

As long as ang intensyon naman nito’y makapaghatid ng saya, huwag nang pag-aksayahan ang mga tao who don’t matter at all.

Chill, Regine. Ronnie Carrasco III