Manila, Philippines – Tinodo na ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang mga pasabog sa bagong season ng “Tolome! Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na magsisimula sa Linggo ng gabi, December 22 sa GMA7.
Panay na din ang promote ni Sen. Bong and the rest of the cast ng “Tolome” sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
“Actually umiikot din tayo sa mga invitation sa iba’t ibang provinces. Pero ang pino-promote natin ngayon, tuluy-tuloy. Yesterday, we we’re in Cebu at napakainit ng pagtanggap sa amin sa Cebu,” pahayag nii Sen. Bong sa grand mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”
Sa Dec. 21 may dance challenge si Sen. Bong sa Facebook page niya na Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
Yung kinita raw sa FB page niya na P3M ay ipamimigay din niya sa kanyang followers/fans.
Di naman nakaiwas si Sen. Bong sa tanong kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nangyari sa totoong buhay na may nagpakilalang anak niya.
May eksena kasi sa trailer ng “Walang Matigas…” na may nagpakilala na anak niya portrayed by Kapuso star Jillian Ward.
“Well, uh, kung talagang ano, syempre una kong tatanungin kung sino nanay niya. Kung darating ang ganoong pagkakataon uh, ipapa-DNA mo ‘di ba?
“Dahil kung talagang anak ko siya dapat panagutan ko yun,” esplika ni Sen. Bong.
Speechless naman at first si Sen. Bong sa pagsagot kung merong nagpakilala sa kanya na anak niya bukod sa anim na supling nila ng misis niyang si Cong. Lani Mercado.
“Hmmm….alam ni Lani yun. Meron. But I’m not going to…makikilala nyo rin kung sino siya, kung sino sila,” masayang sabi ni Sen. Bong.
Unfair naman daw sa mga bata na itago sila.
“Hindi naman po pwedeng itago yun. Unfair yun para sa mga bata. Pag sa anak mo, anak mo yun. Dugo mo yun. Mahalin mo yun. At hindi ko ikinahihiya yun,” diin ni Sen. Bong. Julie Bonifacio