Home METRO 2 puganteng Taiwanese nalambat sa NAIA

2 puganteng Taiwanese nalambat sa NAIA

132
0

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang puganteng Taiwanese, na umano’y lider ng isang criminal syndicate sa ibang bansa.

Nabatid sa BI na naaresto ang mga dayuhang suspek sa labas ng isa sa NAIA Terminals.

Ayon kay BI-Fugitive Search Unit chief Rendel Sy, ang grupo umano ng mga dayuhang suspek na ‘Bamboo Triad’ ay isang notorious na grupo sa Taiwan kung saan sila ay sangkot sa firearms at drug smuggling sa iba’t ibang parte ng Asya.

Aniya, batay sa natanggap nilang report, may ipinapatay umano ang kanilang grupo sa Japan kung saan nagpadala sila ng mga miyembro ng kanilang sindikato at doon pinatay yung biktima.

Binanggit ng BI na maaaring ilegal na pumasok ang dalawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng backchannels.

“According din sa report ng Taiwanese counterparts, ay pumasok sila sa bansa illegally. So ayun yung iniimbestigahan natin kung paano sila nakapasok dito na walang record. Maaring gumamit sila ng ibang passports or dumaan sa ating backdoor,” ayon kay Sy.

Dagdag pa ng BI official, tinitingnan nila ngayon ang mga posibleng criminal activities ng mga Taiwanese fugitive habang nasa Pilipinas bago sila ma-deport.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention facility ng bureau sa Bicutan, Taguig City. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here