Thirty seven years na pala si Regine Velasquez sa industriya ng musika.
And for that, marapat lang na pagkalooban siya ng karangalan.
Sa kauna-unahang Billboard Philippines Women in Music Awards, recipient ang Asia’s Songbird ng Powerhouse Award.
Ito’y pagkilala sa kanyang exceptional talent at impluwensiya sa music industry.
No less than her husband singer-songwriter Ogie Alcasid ang naatasang mag-present ng naturang award.
Hindi naman napigilang dumaloy ang emosyon sa acceptance speech ni Regine.
“Real talk” lang kumbaga ang nilalaman ng kanyang talumpati.
Most especially sa kaso ng mga female performers, mas challenging daw pag nagkakaedad na ang mga tulad nila.
May binanggit kasi si Regine na hormones that as a female singer ages ay kasabay ring nagbabago ang kanyang tinig at hitsura.
Napa-“Syet!” pa nga si Regine as an expression which elicited laughter from the audience.
Nagpakatotoo lang din ang singer nang sabihing hindi na raw noong mas bata siya, tinitilian siya.
Even her songs were certified chart-busters.
It comes with age daw.
There was also display of humility on Regine’s part as she spoke about her legacy.
Pag may mga nagtatanong daw sa kanya kung anong legacy ang maiiwan niya: “Parang wala!”
Sumigaw naman ang audience ng: “Meron!”
To prove her point, ani Regine: “Pag tumanda ako, people will forget my voice, they will no longer remember me…kaya ang legacy na masasabi kong iwan ko is my son Nate.
Because no matter what, he will always remember me.”
Siyempre, hindi nakaligtaang pasalamatan ni Regine si Mang Gerry, ang ama na siyang sumuporta sa kanya ever since until his last breath.
Mawawala rin ba si Ogie in Regine’s emotional speech? Ronnie Carrasco III