Home METRO Register Anywhere, Anytime Program ng Comelec palalawigin sa bansa

Register Anywhere, Anytime Program ng Comelec palalawigin sa bansa

284
0

MANILA, Philippines – Sinisikap ng Commission on Elections (Comelec) na maipatupad ang Register Anywhere, Anytime Program (RAP) sa buong bansa matapos ang matagumpay na pag-arangkada nito sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na pinaplano nilang magpatupad ng enhanced RAP sa lahat ng rehiyon sa sandaling magsagawa sila ng panibagong rehistrasyon.

Binigyang-diin ni Garcia na ito ay dahil sa magandang tugon ng publiko sa programa.

Ang pilot-testing ng RAP ng Comelec ay hanggang Agosto 10.

Kabuuang 10,418 applications para sa voter registration ang natanggap sa pamamagitan ng RAP noong Agosto 7. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here