Manila, Philippines- Naging maagap ang mga news program sa pagbabalita ng tungkol sa sunog nitong August 6 sa Barangay Laging Handa, Scout Rallos sa Quezon City.
Inaalam pa nga lang ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang 78 anyos na lolang nasawi doon.
Sa Facebook na lang natuklasan ang identity ng fire victim.
Siya’y si Teresa “Beth” Fernandez, ate pala ng nasirang action star na si Rudy Fernandez.
Ito ang saad ng FB post ni Rap Fernandez, eldest child ni Rudy kay Lorna Tolentino.
Si Beth ay bedridden at hindi nakuhang sagipin sa sunog na sumiklab alas tres ng hapon at tumagal nang isang oras.
Naninirahan si Beth sa isang four-storey house kasama ng ilan pang kaanak.
Ayon sa anak nitong si Joanne, natupok ang lahat ng mga gamit ng mga ito.
Beth’s family has yet to announce her funeral schedule. Ronnie Carrasco III