VATICAN – Nanawagan si Pope Leo na higpitan ang regulasyon sa AI dahil sa panganib nito sa pagkalat ng misinformation at paglala ng digmaan.
Binanggit niya ang mabilis na pag-unlad ng autonomous weapons, na halos wala nang kontrol ang tao.
Hinimok niya ang mga pamahalaan na protektahan ang mga manggagawa at mga bata, at huwag ipaubaya ang AI data sa pribadong kamay lamang.
Itinakwil din niya ang “just war theory,” sinabing luma na ito at ginagamit para bigyang-katwiran ang digmaan.
Sa pamamagitan ng kuwento ng Tower of Babel, hinikayat niya ang mundo na magkaisa para sa kabutihang panlahat at huwag balewalain ang responsibilidad sa pagharap sa panganib ng AI.