Home METRO Rehabilitasyon ng Bataan nuclear power plant, tinutulan

Rehabilitasyon ng Bataan nuclear power plant, tinutulan

1
0

BATAAN, Philippines – Muling tinutulan ng grupong Nuclear-Free Bataan Movement (NFBM) ang plano umanong rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant na nakatayo sa bayan ng Morong.

Nangalampag at nagsagawa ng kilos protesta ang grupo nitong huwebes, Octobe 22, sa harap ng gate ng BNPP kasabay ng ginanap sa supply chain forum sa planta.

Ayon sa grupo, hindi daw dapat isinasantabi ang kaligtasan ng mamamayan at nang kapaligaran para sa pagsususlong ng murang kuryente.

Magsisilbing babala anila ang nangyaring nuclear meltdown noong taong 2011 sa Fukishima, Japan.

Muling ipinanawagan ng grupo, na unahin ang kaligtasan ng komunidad at ang proteksiyon kapaligiran at kalikasan Kaugnay sa pagpili ng mga proyektong pang-enerhiya.

Kaugnay nito, ikinokonsidera ng Department of Energy (DoE) ang activation ng power plant sa Bataan at iba pang mga lugar na layon umanong mag-generate ng nuclear power pagdating ng taong 2032.

Samantala, patuloy na tinututulan ng mga Local Leaders sa Lugar at mayorya ng Bataeño ang balak o planong paganahin ang planta.

Ang Bataan Nuclear Power Plant ay kasalukuyang minamantine o mine-maintain National Power Corporation (NAPOCOR). (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here