Home NATIONWIDE Rejoinder affidavit inihain ng Discayas sa isinampang kaso ng BIR sa DOJ

Rejoinder affidavit inihain ng Discayas sa isinampang kaso ng BIR sa DOJ

264
0

MANILA, Philippines – Dumiretso na ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Sarah Discaya matapos dumalo sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ), Biyernes ng umaga.

Kaugnay pa rin ito sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na inihain sa DOJ noong Oktubre matapos ang P7.1 bilyon na hindi nabayarang buwis ng mag-asawa mula 2018 hanggang 2021.

Ito ang personal income tax na hindi nabayaran kasama ang excise tax sa mga luxury vehicles, at ang buwis sa paglilipat ng shares ng kanilang apat na kumpanya.

Ayon sa hindi nagpakilalang legal counsel ng Discaya, nagsumite sila ng rejoinder affidavit at ang reklamo ay submitted for resolution na.

Balik sa kustodiya ng senado si Curlee Discaya matapos ipa-cite in contempt kung saan malungkot siya nang tanungin sa kaniyang reaksyon hinggil sa pagkakaaresto ng asawa.

Hindi rin nagbigay ng pahayag si Sarah Discaya nang tanungin ito kung ano ang kaniyang mensahe bago siya dalhin sa Cebu.

Nabatid na pagkatapos sa DOJ, ibinalik sa kustodiya ng NBI si Sarah at sa paunang impormasyon ay dadalhin siya sa Lapu-lapu City sa Cebu mamayang hapon.

Ito’y kasunod ng arrest warrant na isinilbi ng NBI sa kaniya kaugnay naman ng P96.5 million na ghost flood control projects sa  Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here