Home NATIONWIDE Reklamo laban sa Dali grocery, kinwestyon ng DTI

Reklamo laban sa Dali grocery, kinwestyon ng DTI

MANILA, Philippines – Kinwestyon ng Department of Trade and Industry ang liham na inihain laban sa Dali Everyday Grocery na nag-aakusa sa iba’t iba umanong mga paglabag.

Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, naghain ng liham ang isang consumer group na nag-aakusa sa Dali sa pagkakaroon umano ng mga aroganteng staff, mga consumer na inaakusahan ng pagnanakaw, at iba pang reklamo.

Sa kabila nito, walang ebidensya na inilagay sa liham kaugnay sa mga paglabag. Kulang din umano ito sa mga detalye.

“They did not file a formal complaint…Kulang kulang ang detalye. Napagkamalang shoplifter hindi sinasabi branch. May manok sinisksikan ng yelo, wala ring branch,” ani Nograles.

Aniya, hindi rin matawagan ang consumer group na nagpadala ng liham hanggang sa ngayon.

Nag-isyu na ang DTI ng show cause sa Dali noong Mayo 29 ngunit ngayon ay wala pang nagiging tugon.

Ang Dali Everyday Grocery ay mayroong 353 branch kabilang ang 82 na sakop ng DTI para sa basic necessities at prime commodities. RNT/JGC