MANILA, Philippines – HINILING ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Hulyo 3, na magpadala ng Filipino mental health workers sa Ukraine para tumulong na tiyakin ang kapakanan at mental health ng kanilang mga sundalo sa gitna ng krisis sa kanilang bansa.
Sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni President Zelenskyy kay Pangulong Marcos na nangangailangan sila ng mas maraming mental health workers para sa kanilang sundalo at mga mga tagapagtanggol na pawang mga forefront sa krisis na kinahaharap ng kanilang bansa.
“Thanks, you mentioned about humanitarian possibilities especially for medicine and like I said to you, especially, psychological mental health and etc., – army. So, you understand how many people need their help when they come back, they can’t lose in the families,” ayon kay Zelenskyy.
“It’s difficult for them — to study again,” dagdag na wika nito.
Para naman sa Pangulo, sinabi nito kay Zelenskyy na maaaring tumulong ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng Filipino mental health workers para sa kanilang mga sundalo sa gitna ng krisis sa kanilang bansa.
“That is something that I think we are able to offer,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Zelenskyy, tinukoy ang mga Filipino mental health workers matapos bigyang-diin ng Ukrainian President ang pangangailangan ng mas maraming mental health workers sa kanilang bansa.
Binigyang diin ng Chief Executive na “the Philippines is quite well-known in healthcare in terms of providing assistance,” na bahagi ng commitment ng bansa sa United Nations (UN) para sa peacekeeping process.
“I am happy to do all that we can to make sure that we can help especially the civilians and the innocents that are involved in the war. This is something that comes naturally to the Philippines so this will be something that we could pursue,” dagdag na wika nito.
Nauna rito, dumating si Zelenskyy sa Pilipinas, araw ng Linggo para sa kanyang one-day working visit matapos magpakita sa Shangri-La Dialogue sa Singapore. Dumating sa Palasyo ng Malakanyang bago pa mag-alas-9 ng umaga, araw ng Lunes kung saan nakipagpulong siya kay Pangulong Marcos.
Sa ulat, may 32 taon na ang diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at Ukraine mula nang itatag ito noong Abril 7, 1992.
Taong 2022, ang Ukraine ay nasa ranggong 90th trading partner ng Pilipinas, ang 119th export market at 76th import source. ang kabuuang kalakalan sa pagitan ng mga bansa ay nagkakahalaga ng USD16.9 million na may export value na USD1.49 million at imports na USD15.41 million.
Ang Ukraine ay nagsilbi bilang ‘second home’ ng 200 Filipino subalit ang pigura ay bumaba sa 25, karamihan ay ikinasal sa Ukrainians na mas pinili na makasama ang kanilang mga pamilya sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Russia. Kris Jose