Home NATIONWIDE Reklamo sa mataas na garbage fee sa Maynila, ibinasura ng SC

Reklamo sa mataas na garbage fee sa Maynila, ibinasura ng SC

141
0

MANILA, Philippines – Walang legal standing ang petitioner at hindi direktang apektado ng ordinansa ng City Government.

Paliwanag ito ng Korte Suprema matapos ibasura ang petisyon ni John Barry T. Tayam laban kay Manila City Mayor Francisco M. Domagoso at sa Manila City Council na kumukwestyon sa  bisa ng Manila City Ordinance No. 9151 na nagtaas sa garbage collection fees sa lungsod ng Maynila.

Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, sinabi ng Korte Suprema na hindi natugunan ng petisyon na inihain Tayam ang mga pangunahing rekisito ng judicial review.

Sinabi ng Korte Suprema na walang legal standing si Tayam dahil residente siya ng Las Piñas City at hindi direktang apektado ng ordinansa na ipinatutupad lamang sa mga residente, negosyo, at service agencies sa Maynila.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na hindi maaaring ituring na taxpayer’s suit ang kaso dahil ang ordinansa ay isang regulatory measure at hindi buwis o revenue measure.

Idinagdag ng Korte Suprema na nilabag din ng petisyon ang hierarchy of courts dahil direktang inihain ito sa Korte Suprema sa halip na sa regional trial court. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here