Home NATIONWIDE Rekorida Bakuna Campaign, inilunsad ng DOH

Rekorida Bakuna Campaign, inilunsad ng DOH

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region at ng local government ng Agoo, La Union ang “Rekorida Bakuna Campaign” upang lalong palakasin ang kalusugan sa komunidad sa pamamagitan ng pagbabakuna at paghikayat sa mga magulang at caregivers upang masiguro ang kumpletong routine immunization para sa kanilang mga anak na 5 taon pababa.

Binigyang-diin ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang kahalagahan ng routine vaccination sa mga bata at mahikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang masiguro ang kanilang lausigan at kapakanan.

Binanggit din ni Sydiongco ang halaga ng bakuna sa pagsagip ng buhay ng bata.

“This is the time to restore our faith and trust in our vaccines because it has saved countless of lives, especially during the pandemic. Ligtas po ang ating mga bakuna. Magtiwala po tayo sa kakayahan nitong makapagbigay ng proteksiyon sa ating mga anak upang sila ay lumaking malusog at ligtas.”

Kabuuang 200 bata ang target na kinatawan ng 49 na barangay ng Agoo sa ginanap na kampanya sa paglulunsad sa Jose D. Aspiras Civic Center noong Abril 23, 2024.

Sinabi ni Agoo Mayor Frank Ong Sibuma na ang Agoo LGU ay patuloy na magbibigay suporta sa DOH public health programs lalo na ang immunization campaign activities.

Ang “Rekorida Bakuna” campaign ay naaayon sa layunin ng DOH na makamit ang 95% na saklaw ng pagbabakuna laban sa mga vaccine-prevebtable diseases. Ito ay nasa ilalim ng DOH Health Promotion Framework Strategy PA 3 – Bakuna Champion. Ito ay isang live public announcement ng mga LGU, isang mabisang paraan ng pagkuha ng atensyon ng publiko lalo na sa mga rural areas at malalayong barangay.

Gagawin ang Recorida or Bandillo gamit ang mobile transportation o pag-iikot sa mga Batangas gamit ang megaphones habang pinapatugtog ang Bakuna jingle at pagbibigay ng flyers sa mga magulang at caregivers kaugnay sa kahalagahan ng pagkumpleto ng Routine Immunization ng mga bata at paalalahanan sila na ang bakuna ay libre at makukuha sa mga health centers araw-araw.

Ang World Immunization Week ngayong taon ay ginugunita ang 50-taong milestone ng Essential Program of Immunization, isang pandaigdigang inisyatiba na nagtitiyak ng pantay na pag-access sa mga bakuna para sa lahat ng karapat-dapat na bata, na sa huli ay nagsusulong sa pananaw ng isang Healthy Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden