Manila, Philippines- Walang nakikitang masama si Lolit Solis kung totoo ngang may namamagitan sa kanyang dating alaga na si Mark Herras at Jojo Mendrez.
Praktikal lang ang outlook ng talent manager.
Bagama’t ilang beses nang iginilit ng binansagang Revival King na wala silang relasyon ni Mark, if ever mang may katotohanan ito, Lolit doesn’t find anything wrong with it.
Katwiran ni Lolit: “Kung naibibigay ba ni Jojo ang kailangan ni Mark, why not?”
Samantala, nagkakapareho ng katawagan ang former loveteam nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at “friendship” nina Mark at Jojo.
Pareho kasing “MarJo” ang portmanteau ng mga pinagsama nilang pangalan.
The difference lies in the fact na “past tense” na ang Jolina-Marvin.
Mas bago at trending ang kina Mark at Jojo lalo pa’t may duet sila ng sikat na awitin noon ni Julie Vega na Somewhere in my Past.
At take note, sa rendition nina Mark at Jojo ay iisipin mo ngang angkop ang mensahe ng nasabing kanta–that their paths crossed somewhere in their past.
Malay naman natin kung magkakilala na sila in their past lives and are getting reconnected sa present time. Ronnie Carrasco III