Home ENTERTAINMENT Ama ni Angel, pumanaw na!

Ama ni Angel, pumanaw na!

231
0

Manila, Philippines- Sumakabilang-buhay nitong March 6 ang ama ni Angel Locsin, si Ginoong Angel M. Colmenares.

Mr. Colmenares was 98.

Walang binanggit na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nakikiusap ang naulilang pamilya ng privacy sa kanilang pagluluksa.

Si Mang Angel ay isang swimmer noong kabataan niya.

Naging bahagi siya ng Philippine team na lumahok sa Asian Games 1954 sa 4 X 200 freestyle relay kung saan nagkamit sila ng bronze medal.

Si Mang Angel ang nagsilbing swimming coach ng noo’y batambata pang aktres.

At 11, Angel competed in a swimming competition in Hongkong where she bagged two silver medals and one bronze medal.

Ang mga labi ni Mang Angel ay nakalagak sa Heritage Park sa Taguig City.

Umaasa naman ang mga tagahanga ng aktres na masusulyapan nila ito tiyak sa lamay.

lang taon na ring wala sa sirkulasyon si Angel.

Maging sa social media ay pahinga rin siya.

Mula sa Remate Online, ang taospuso naming pakikiramay sa mga naiwan ni Ginoong Angel Colmenares. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here