Home ENTERTAINMENT Sharon, nagluluksa sa pagkamatay ni Bacon!

Sharon, nagluluksa sa pagkamatay ni Bacon!

Manila, Philippines- “Paalam, Bacon!”

So says an art card which Sharon Cuneta posted as the Megastar bade farewell to their baby girl.

Siya si Bacon na ayon sa singer-actress breathed her last nitong March 1.

Bacon was 13.

Hindi na nga raw nakuhang kumain ng alagang baboy ilang araw bago ang pagpanaw nito.

Hindi malilimutan ni Sharon ang kanilang “agriculture journey” with Bacon.

Sa art card nga niyang ipinost, it included photos of her husband Kiko Pangilinan taking care of Bacon.

‘Kaaliw nga ang kuwento ni Sharon who lived in their farm in the company of their pet dogs.

Nakalimutan daw kasi ni Bacon na isa siyang baboy to the point na tumatahol na rin ito na parang aso.

“Run free in pig heaven!” post ni Sharon. Ronnie Carrasco III