Manila, Philippines- Sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay sa isang portal, napag-uusapan ang tungkol sa wedding ng dating beauty queen at volleyball player na si Michelle Gumabao.
Itinali na kasi siya sa kamag-anak ng mister ni Dani Barretto.
Samu’t-sari naman ang naging reaksyon ng mga nagma-Marisol sa nasabing development.
Dahil ikinasal na ito ay naurot tuloy ang kapatid nitong aktor na si Marco kung kailan naman ikakasal ang huli sa partner na si Cristine Reyes.
Ito naman ang mga komento ng kibitzers nang maging topic ito sa isang portal.
“Bakit parang biglaan. Hindi kaya tesbun siya?”
“Gonda pa rin niya. Puwede siyang sumali uli sa missuph.”
“Naglalaro pa rin ba siya ng volleyball?”
“Grabe naman. Nagpatali lang, preggie na agad.”
“Ang alam ko, tagal na silang engaged at balak magpakasal. At least, natuloy din.”
“So, next na sina Marco at Cristine!”
“With his sister getting hitched, Marco and Cristine could never be behind?”
“Kailan nga ba kayo Ateng AA.”
“Depende raw sa election results. Hahaha.”
Si Marco ay kumakandidato sa isang elective post sa KaBicolan samantalang ang nobya niyang si Cristine ay abala naman sa pagtulong sa kanya sa pangangampanya para sa darating na eleksyon. Archie Liao