Home NATIONWIDE Relief, recovery ops sa Dinagat Islands pinangunahan ng DBM

Relief, recovery ops sa Dinagat Islands pinangunahan ng DBM

289
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paghahatid ng relief assistance at pagi-inspeksyon sa mga napinsalang imprastraktura sa mga munisipalidad ng Tubajon at Loreto sa Dinagat Islands.

Pinangunahan ng Kalihim ang relief at recovery operations sa nasabing bayan, labis na tinamaan ng bagyong Tino (international name Kalmaegi), alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na tiyakin ang mabilis na recovery o pagbangon ng disaster-stricken areas sa bansa.

Pinagunahan din niya ang distribusyon ng 2,600 family food packs at 250 tents mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), at maging 397 non-food family packs mula naman sa Office of Civil Defense (OCD).

Nanguna rin si Pangandaman sa pag-turn over sa limang Starlink internet units mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para makatulong na makapagbigay ng reliable internet connectivity sa mga apektadong residente.

Sinamahan si Pangandaman ng mga kinatawan mula sa DSWD, DICT, OCD, kasama ang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Gov. Nilo Demerey Jr.

Present din sa nasabing distribusyon ng tulong sa calamity victims sina Budget Undersecretaries Wilford Will Wong at Goddes Hope Libiran.

In-assessed din ng Kalihim ang lawak ng infrastructure damage sa Dinagat Islands, na isinailalim sa state of calamity, kasunod ng pananalasa ng bagyong Tino.

Tinatayang 680 na bahay sa Tubajon ang nawasak habang sa Basilisa (25 porsiyento), Libjo (8 porsiyento) at San Jose (8 porsiyento) ang nakaranas ng pinsala, base sa assessment ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan si Demerey ang chairman.

Kabilang naman sa major infrastructure damage ang hindi madaanan na Cambinliw Bridge sa Loreto at sinasabing 40 porsiyento ang napinsala sa power plant sa Gibusong Island.

Iniulat din ng provincial agriculture office ang pagkalugi sa farming sector, na may 90 banana plantations sa Loreto ang napinsala, 10 porsiyento ng coconut farms ang apektado at dalawang ektarya ng cassava ang nasira. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here