Home NATIONWIDE Remulla aminadong may pagkukulang sa late na #WalangPasok announcement

Remulla aminadong may pagkukulang sa late na #WalangPasok announcement

302
0

MANILA, Philippines – Inamin ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang pagkukulang nito sa huli nang anunsyo ng suspensyon ng pasok sa mga paaralan at opisina ng pamahalaan ngayong Lunes, Setyembre 1 dahil sa inaasahang malakas na mga pag-ulan.

Ani Remulla sa isang panayan, ang update ng predictive model para sa malalakas na ulan ay inilabas alas-3 ng madaling araw ngunit nakita lamang nila ito paggising niya ng alas-6 ng umaga.

“Kasalanan ko ‘yan kasi predictive model as of 10 p.m., central Philippines lang ang affected. Biglang nag-shift, umakyat ang weather system, 3 a.m. ko nakuha ang notice, nagising ako 6 a.m. na,” dagdag ni Remulla.

“At saka ‘yung unang predictive rainfall, mababa lang, yellow lang. So ‘yung 3 a.m., mataas na, tulog pa ako noon. Kasalanan ko ‘yan. Umakyat bigla at nag-shift ang weather system papuntang Metro Manila.”

Bandang 5:30 ng umaga, nag-post ng anunsyo ang DILG ng suspensyon ng klase at trabaho sa pamahalaan para sa kaparehong araw.

Nang tanungin naman kung may empleyado silang maaaring makapag-take over sa pagbibigay ng impormasyon sa suspensyon ng klase at trabaho kapag ito ay natutulog, sinabi ni Remulla na:

“Ano kasi iyan, meron kaming chain of information bago mag-release ng final information iyan.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here