Home HOME BANNER STORY DOJ: aktibong police general sangkot sa missing sabungeros

DOJ: aktibong police general sangkot sa missing sabungeros

232
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na mayroon umanong isang active police general na tumulong o nasasangkot sa mga suspek sa nawawalang mga sabungeros.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, ang nabanggit na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ay itinalaga pa raw umano bilang Regional Director na siyang kanyang iginiit na hindi nararapat ang pagkakalagay sa puwesto.

Sinabi pa ni Remulla na sa pagkakalipat bilang regional director ng heneral, binitbit pa nito ang mga suspek bilang bahagi ng kanyang opisina.

Hindi naman isiniwalat ni Justice Secretary kung sino ang tinutukoy na heneral.

“Isa pang heneral na ginawang Regional Director na hindi dapat inilagay sa pwestong iyon. Kasi siya yung naging, nagbigay ng tulong at ayuda sa mga suspek dito sa missing sabungeros case,” ani Sec. Jesus Crispin Remulla ng Department of Justice.

“Basta nung sila’y lumipat yung heneral ng opisina, kinuha niya itong mga ito to be under his wing, yung mga suspects ng missing sabungero case,” dagdag pa ni Justice Secretary Remulla. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here