Home HOME BANNER STORY Discaya pumalag sa viral interview: Pinutol yung video

Discaya pumalag sa viral interview: Pinutol yung video

286
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni flood control contractor Sarah Discaya nitong Lunes, Setyembre 1 na ang kanyang viral interview ay pinutol upang pagmukhain na sa mga flood control project mula sa DPWH lamang nakuha ng kanilang pamilya ang yaman.

Ani Discaya, ang kanyang pamilya ay nasa construction business na sa loob ng 23 taon.

“I would presume na in the 23 years, pwede naman po siguro kami kumita,” pagbabahagi ni Discaya kasabay ng pagdinig ng Senado sa mga kwestyonableng flood control projects.

Sinabi ni Discaya na nang banggitin niya ang DPWH bilang “turning point” ng buhay ng kanyang pamilya, ito ay dahil “prior to that, we were in local government.”

“Ang hirap makasingil sa local government. They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH,” dagdag pa niya.

Si Discaya ay tumakbo bilang alkalde ng Pasig noong nakaraang halalan ngunit natalo sa kasalukuyang mayor na si Vico Sotto. Siya rin ang isa sa mga may-ari ng St. Gerrard at iba pang construction companies.

Ang mga kompanyang pagmamay-ari umano ni Discaya ay kabilang sa 15 kontratista na nakakuha ng P100 bilyon o 20% ng kabuuang P545 bilyong badyet para sa flood control projects na ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto.

Sinabi rin ni Discaya na ang ama niya ay contractor para sa mga proyekto ng lokal na pamahalaan. Bago ito pumasok sa construction, siya ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang dental receptionist at orthodontic nurse.

Nagsimula ang kanyang pamilya sa pagpasok sa bidding sa ilalim ng DPWH “sometime in 2012” at nakakuha ng flood control projects bandang “2016 onwards.”

“Nakita namin noon [sa] PhilGEPS na may mga projects na pwede palang mag-join. So we joined the bidding that we know we were qualified for,” sinabi pa niya.

Handa umano itong magbigay sa mga senador ng rekord ng mga buwis na binayaran.

Samantala, tinukoy naman ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na sinuspinde ng DPWH noong 2015 ang St. Gerrard at na-blacklist noong 2020.

Sa kabila nito, na-renew ang lisensya nito noong 2023 at nananatiling valid hanggang 2026.

Sangkot din sa Bulacan river project ang isa pang kompanya na iniuugnay sa mga Discaya, ang St. Timothy Construction Corp., na mayroong 200 metro ng hindi natapos na revetment.

Na-renew naman ang lisensya ng kompanyang ito noong 2025 at valid hanggang 2027.

Nang tanungin kung paano nakapag-renew ng lisensya ang mga kompanyang ito sa kabila ng mga isyu sa dating mga proyekto, sinabi ni PCAB Chair Pericles Dakay na ang DPWH blacklist “has a certain time limitation.”

“Once a notice that the project has been completed [is issued], then the blacklist is lifted,” ani Dakay.

“We (PCAB) only institute disciplinary action upon a complaint or a verified violation… That is the limit of our responsibility,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here