Home NATIONWIDE Remulla, kinonekta impluwensya ng Roblox sa Zambo school shooting

Remulla, kinonekta impluwensya ng Roblox sa Zambo school shooting

1
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si Interior Secretary Jonvic Remulla sa Kongreso na pag-aralan ang mas mahigpit na regulasyon sa first-person shooter games at paggamit ng social media ng mga menor de edad kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Sinabi ni Remulla na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may naging impluwensiya ang online gaming platform na Roblox sa estudyanteng responsable sa pamamaril, ngunit nilinaw niyang hindi pa tapos ang forensic examination sa mga gadget nito kaya wala pang tiyak na konklusyon.

“We still don’t know with certainty,” ani Remulla sa press briefing sa Camp Crame nitong Miyerkules, Agosto 19.

Gayunman, sinabi niyang may “great degree of confidence” ang mga awtoridad na maaaring may kinalaman ang online activity ng estudyante batay sa paraan ng pagsasagawa ng pag-atake.

Nilinaw din ni Remulla na hindi niya itinuturing na mapanganib mismo ang Roblox, ngunit binigyang-pansin niya ang mga online chat at interaction na aniya’y maaaring gamitin upang maimpluwensiyahan o “ma-radicalize” ang mga kabataan.

“I call upon Congress again to help us control and curb the use of first-person shooter games that influence these young minds,” ani Remulla.

Iminungkahi rin niya na pag-aralan ng Pilipinas ang mga restriksiyon sa social media para sa mga menor de edad sa Australia, bagama’t iginiit niyang hindi lamang online games o social media ang dapat tugunan upang maiwasan ang kaparehong insidente.

Samantala, may umiiral nang age-based safety measures ang Roblox. Ayon sa kumpanya, kinakailangan ang age check upang magamit ang chat, habang may karagdagang restrictions at parental controls para sa mga user na wala pang 16-anyos.

Patuloy namang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril, kabilang ang online activity ng estudyante at kung paano nito nakuha ang mga baril na ginamit sa insidente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here