Home NATIONWIDE Remulla sa mga dayuhang kriminal na nagtatago sa Pinas: Lumayas kayo!

Remulla sa mga dayuhang kriminal na nagtatago sa Pinas: Lumayas kayo!

MANILA, Philippines- Hindi magiging kanlungan ang Pilipinas ng mga dayuhang kriminal.

Ito ang mariing sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng pag-aresto ng Bureau of Immigration sa Japanese national na si Yokota Tetsuya.

Si Tetsuya na naaresto sa Binondo, Manila at wanted sa Japan dahil sa panloloko na aabot ng Y2 million.

“This is my final warning to undesirable aliens who may attempt to push their luck in our country, you have no place here,” ani Remulla.

Inaresto ng BI Fugitive Search Unit si Tetsuya bunsod ng standing court order sa Omiya, Japan.

Nangako ang kalihim na palalakasin pa ang border control sa lahat ng entry at exit points sa buong bansa.

Inihayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nakatakdang i-deport na si Tetsuya at ipinagbabawal nang makapasok pa muli sa Pilipinas. Teresa Tavares