Home NATIONWIDE ‘Maximum SRP’ system para sa bigas ikakasa ng DA

‘Maximum SRP’ system para sa bigas ikakasa ng DA

MANILA, Philippines- Magtatakda ang Department of Agriculture (DA) ng “maximum suggested retail price (SRP) system” bago matapos ang buwan.

Layon nito na tugunan ang hindi makatwirang retail prices ng bigas sa ilang lokal na pamilihan.

Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala dapat imported rice na maipagbibili sa P60 per kg.

“We are now trying to establishano ba ang maximum suggested retail price. So, we will be coming up with a maximum suggested retail price system very soon,” ayon kay Tiu Laurel.

Gayunman, nilinaw ni Tiu Laurel na ang sistema ay hindi aakto bilang price cap sa retail rice.

“It’s not a suggestion, it’s like we’re saying na ito dapat ang maximum na presyo niyan. But it’s not a price cap,” ang sinabi pa rin ni Tiu Laurel.

“Moreover, a P60/kg.-level of retail rice may already be considered as profiteering, dagdag na pahayag nito.

At para papanagutin ang importers at retailers para sa posibleng profiteering, nakatakdang makipagpulong ang DA sa Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Internal Revenue (BIR), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), at Department of Interior and Local Government (DILG).

“Para ma-sort namin ang aming remedies kung paano ma-address ito. Clearly, nasa Price Act ata ang profiteering angle,” ang winika ni Tiu Laurel.

Pagdating naman sa rice brands, pinanatili naman nito ang plano ng DA na alisin ang “premium” at “special” labels upang lalo pang maiwasan ang panghuhuthot.

“People are very brand conscious and I know that better than anybody in this country dahil I’m a brand owner, I used to be a brand owner myself,” ani Tiu Laurel.

“In the label pagka sinabi mong premium or special, hindi ba mas na-a-attract ka doon at willing ka na bilhin iyon nang mas mahal. Pero actually, hindi naman siya premium o special, parehas lang siya ng mga katabi niya,” dagdag niya.

Tinukoy ang kontradiksyon sa mga antas ng presyo sa merkado gamit lamang ang “rice types, origin, at specification percentage.”

Hanggang noong Enero 3, ang presyo ng local at imported regular at well-milled rice sa Kalakhang Maynila ay umaabot lamang ng mula sa P38/kg. hanggang P54/kg., ayon sa DA-Bantay Presyo.

Ang premium at special-labeled rice, kapuwa imported at local, ay pumapalo naman mula sa P48/kg. hanggang P64/kg. Kris Jose