MANILA, Philippines- Nakitaan ng pagtaas ng volume ng mga biyahero ang mga pantalan sa bansa sa panahon ng holiday hanggang nitong unang linggo ng Enero mula sa kanilang bakasyon ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Sinabi ng PPA na ang bigat ng dami ng pasahero mula Disyembre 15 hanggang Enero 5 ay umakyat ng 7 percent o 4.67 milyon mula 4.37 milyon sa parehong panahon noong 2023.
Nalampasan nito ang inisyal na 4.59 milyon pasahero.
Karamihan sa mga pasahero ay naitala sa Batangas na may mahigit 601,000 biyahero.
Sinundan ito ng Bohol at Siquijor na may 482,694 pasahero at 433,282 pasahero.
Nakapagtala rin sa Davao ng 442,929 pasahero at 312,530 pasahero sa Bicol.
Ngayon taon, ang projected passenger volume ng PPA sa sea terminals na lumampas sa 85.4 milyon.
Tinitingnan ng PPA ang pagbuo ng master plan para makapagtayo ng 10 seaports sa buong bansa upang mapabuti ang connectivity at supply chain.
Kabilang sa terminals ay sa Davila, Pasuquin, Ilocos Norte; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Taytay, Palawan; Buenavista, Guimaras; San Carlos, Negros Occidental; Dumaguete, Negros Oriental; Lazi, Siquijor; Catbalogan, Samar; at Zamboanga, Zamboanga del Sur. Jocelyn Tabangcura-Domenden