MANILA, Philippines – Pinadalhan ng subpoena ng Department of Justice (DOJ) ang aktibistang lider na si Renato Reyes Jr para dumalo sa paunang imbestigasyon sa kinakaharap na kasong sedisyonat cybercrime.
Inatasan ng DOJ si Reyes na humarap sa Justice Hall 3 sa Padre Faura, Ermita, Maynila sa Enero 15 at 29, 2026 ganap na alas-dos ng hapon para magsumite ng counter-affidavit at mga ebidensya.
Inihain ang kaso laban kay Reyes ni Police Lt. Col. Jonathan Estrada.
Ayon sa dokumento, saklaw ng reklamo ang paglabag sa Articles 139 at 142 ng Revised Penal Code at Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.
Binalaan din ng DOJ na ang hindi pagdalo ay ituturing na waiver ng karapatan ni Reyes na magsumite ng depensa at maaaring ideklarang submitted for resolution ang reklamo base sa kasalukuyang record. Jocelyn Tabangcura-Domenden