MANILA, Philippines – “Sana nagpakita si Cong Pulong sa trabaho at sa session para alam nya kung paano ang naging proseso ng pagpapalit ng House Leadership”
Ito ang bwelta ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep Sandro Marcos kay Davao Rep Paolo Duterte matapos nitong sabihin na ang batang Marcos ang pumili sa bagong House Speaker na si Isabela Rep Faustino Dy bilang kapalit ng nagbitiw na si House Speaker Martin Romualdez.
“Baka style nya yun nung anak sya ng pangulo pero I can assure you that me, we are consultative with all the party leaders, pwede silang tanungin . We met for a plenty of weeks, kung nagpakita sana si Cong Pulong dito sa trabaho o sa session baka nakita nya ang naging proseso” pahayag ni Marcos.
“Baka busy sya looking for the 51 million spent in his district” patutsada pa ni Marcos patukoy naman sa kontrobersyal na flood control projects sa Davao.
Inakusahan ni Rep Duterte na cover up lamang ang naging paghirang kay Dy at pareho lamnang din ang magiging Sistema.
Una nang sinabi ni Marcos na ang pagpili kay House Speaker Dy ay resulta ng kunsultasyon sa mga party leaders. /Gail Mendoza