MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ni Surigao Del Sur 1st District Rep. Romeo Momo na ang kanyang joint bank account kay CWS Party List Rep. Edwin Gardiola, na binuksan noong 2019, ay para lamang sa “legitimate and shared political expenses” sa kampanya ng CWS, kung saan siya ang first nominee.
Ayon kay Momo, ang account ay dormant mula pa noong 2019, walang transaksyon, at hindi konektado sa kanyang kasalukuyang opisyal na tungkulin o personal na gawain.
Binigyang-diin niya ang respeto sa hudikatura at ang kanyang pakikipagtulungan sa anumang imbestigasyon.
Ang pahayag ay kasunod ng ulat na nag-utos ang appellate court ng freezing sa ilang account na diumano’y konektado kay Gardiola, na inakusahan sa umano’y iregularidad sa flood control at iba pang infrastructure projects, ngunit itinanggi ng mambabatas. RNT