QUEZON CITY — Inilunsad ng Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni PCOL Randy Glenn Silvio ang Project HILAMOS (Holistic Initiative for Local Art, Maintenance, and Order in Spaces) at isinagawa ang paunang operasyon nito sa 18 barangay sa lungsod nitong Biyernes.
Isinagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng QCitizens, mga opisyal ng barangay, at ng Quezon City LGU sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, na naglalayong ibalik ang kaayusan at kalinisan sa mga pampublikong lugar habang itinataguyod ang disiplina, kaligtasan, at walkable at child-friendly na kapaligiran.







