Home NATIONWIDE Reporma sa rice auction, ipatutupad ng NFA

Reporma sa rice auction, ipatutupad ng NFA

193
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng adjustments ang National Food Authority (NFA) sa rice auction para mas maging mabilis at epektibo ang proseso.

Kasalukuyang nagbubukas ang bidding para sa third auction ng 750,000 bags ng good-quality aging rice, at susunod na round ay inaasahang ilulunsad sa unang bahagi ng Abril.

“Ini-improve pa siya until talagang smooth na siya lahat at maraming nakaka-participate,” ani NFA Administrator Larry Lacson.

Ayon sa kanya, umaabot ng higit isang buwan ang isang bidding cycle, kaya kailangan ang adjustments tulad ng pagbawas ng minimum volume mula 5,000 bags sa 3,000, at pagbibigay-diin sa regional kaysa national auction para mas mabilis.

Mas maraming private traders ang interesado sa bidding dahil ang aging stocks ay “good and fit for human consumption.”

Sinabi ni Lacson na makakatulong ang auction sa pagbaba ng rice prices sa ilang lokal na pamilihan at magbibigay-daan sa NFA na mag-intensify ng palay procurement mula sa mga magsasaka ngayong harvest season sa Marso.

“As we go along, ma-uubos talaga ‘yung aging stocks,” dagdag pa niya. Ang kasalukuyang buying price ng NFA para sa malinis at tuyo na palay ay nasa ₱22–₱25 kada kilo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here