Home NATIONWIDE Rescue units inilatag ng PCG sa pananalasa ni Aghon

Rescue units inilatag ng PCG sa pananalasa ni Aghon

MANILA, Philippines – Naglatag ng rescue units ang Philippine Coast Guard (PCG) para tumugon sa mga maaapektuhan ng Tropical Depression Aghon.

Ayon sa PCG, mahigit 3,000 pasahero, drayber at cargo helpers ang stranded sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa sama ng panahon.

Dagdag pa ng PCG, 50 barko, limang motorbancas, at mahigit 660 rolling cargoes ang istranded sa mga nabanggit na lugar.

“CG Admiral [Ronnie] Gavan also instructed PCG units to coordinate with other rescue agencies and observe the fastest response time in responding to maritime incidents,” sinabi ni CG Rear Admiral Balilo.

Samantala, hinimok ng PCG ang mga mangingisda na huwag munang maglayag sa oras ng masamang panahon. RNT/JGC