Home NATIONWIDE Hinihinalang abogado ng Kingdom of Jesus Christ nagsuko ng 21 armas sa...

Hinihinalang abogado ng Kingdom of Jesus Christ nagsuko ng 21 armas sa pulisya

MANILA, Philippines – Isinuko ng hinihinalang abogado ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ng Appointed Son of God na si Apollo Quiboloy ang 21 armas sa mga awtoridad nitong Sabado, Mayo 25.

Sa pahayag, sinabi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ang operasyon ay isinagawa 6:30 ng umaga sa KOJC compound sa Davao City.

Isang Atty. Israelito ang nagsuko ng mga armas na pagmamay-ari ng isang Cresente Chavez Canada ”for safekeeping,” sinabi ng PNP-CIDG.

Kabilang sa mga isinukong armas ay mga rifle, pistola, shotgun, revolver, ammunition at mga magasin ng pistola.

Nasa kustodiya na ng CIDG sa Davao ang mga isinukong armas para sa tamang dokumentasyon.

Matatandaan na nauna nang nagsuko ng ilang armas ang kampo ni Quiboloy na nakarehistro sa kontrobersyal na religious leader. Nangako itong magsusuko pa ng mas maraming armas.

Noong Abril, binawi na kasi ng PNP ang gun permit ni Quiboloy dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa Pilipinas at Estados Unidos.

Kasunod ito ng inilabas na arrest warrant ng korte sa Davao laban kay Quiboloy at lima iba pa dahil sa reklamong child abuse.

Naglabas din ang Pasig Court dahil naman sa reklamong human trafficking. RNT/JGC