Home METRO 2 patay sa sunog sa Maynila

2 patay sa sunog sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal sa sumiklab na sunog sa isang residential-commercial building sa Barrio Kapampangan cor. Pedro Gil St., Brgy. 869, Sta. Ana, Maynila nitong Sabado, Mayo 25.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, patay ang isang 63-anyos na lalaki at batang lalaki edad anim.

Nagsimula ang sunog bandang alas-5 ng umaga na agad itinaas sa unang alarma.

“Pag dating ho natin nasusunog na po second hanggang third floor. Yung kalahati po ng third floor ang nasunog,” sinabi ni FO4 Joel Jacinto, Sub-station Commander ng BFP Sta. Ana Fire Station sa panayam ng ABSCBN News.

Ang unang palapag ay mga tindahan, habang stockroom naman ang ikalawang palapag at tulugan ang ikatlong palapag.

Idineklarang fire-out ang sunog bandang alas-7 ng umaga.

Samantala, tatlong pamilya ang apektadong ng sunog. RNT/JGC