Home NATIONWIDE Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy na bumababa – PAGASA

Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy na bumababa – PAGASA

MANILA, Philippines – Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam, ayon sa PAGASA nitong Sabado, Mayo 25.

Ang lebel ng tubig sa dam ay bumaba pa sa 178.89 metro ng umaga, mula sa 179.27 metro noong Biyernes.

Mas mababa ito ng 1.11 metro sa minimum operating level na 180 meters, at 31.11 meters na mas mababa sa normal high water level na 210 meters.

Anang PAGASA, ang pagbaba ay dahil sa kakaunting ulan dulot ng El Nino phenomenon.

Sinusuplay ng Angat Dam ang 90% ng malinis na tubig sa Metro Manila, Rizal, bahagi ng Cavite at Bulacan.

Nauna nang binawasan ng National Water Resources Board ang alokasyon ng tubig sa NCR.

Ngunit siniguro naman ng Department of Environment and Natural Resources na ito ay hindi magdudulot ng pagkaantala sa suplay ng tubig.

Nangako rin ang DENR na gagawa ng water conservation measures sa pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam. RNT/JGC