Home METRO Residente ng bayan sa Lanao del Sur, umuwi na sa paghupa ng...

Residente ng bayan sa Lanao del Sur, umuwi na sa paghupa ng banta ng karahasan

ILIGAN CITY- Tiniyak ni Colonel Robert Daculan, Lanao del Sur police director, sa mga residente ng Marogong na kontrolado ng security forces ng pamahalaan ang sitwasyon sa bayan sa gitna ng mga banta ng karahasan ng Islamic State-linked Dawlah Islamiyah (DI) militants kamakailan.

Sinabi ni Daculan nitong Miyerkules na mananatili sa lugar ang karagdagang police personnel na idineploy sa Marogong, habang nasa heightened alert naman ang police stations sa mga karatig-bayan.

Aniya pa, halos 80% ng mga residente na lumikas nitong nakaraang Biyernes ang nakabalik na.

Inaasahan naman ng mga lokal na awtoridad na makakauwi na sa kanilang mga tahanan ang mga natitirang evacuee matapos mangako ng pinuno ng DI na hindi mapapahamak ang mga sibilyan.

Batay sa incident report nitong Lunes na inihanda ni Dr. Nasser Alimoda, Marogong municipal health officer, nakasaad diro na nagpadala ng mensahe si DI leader Fajarudin Pumbaya Pangalian, alyas Commander Zacariah, sa pamamagitan ng two-way radio network na hinihikayat ang mga residente na umuwi na sa kanilang tahanan “as he pledged not to involve the civilians and implying that there will be no war/battle happening soon.”

Binanggit ni Alimoda ang village chief nna si Alcair Halim Diator ng Barangay Marogong Proper na siya umanong nagsabi na nagsimula nang umuwi ang mga residente nitong Linggo.

Nag-alisan ang mga residente noong nakaraang linggo nang magpalabas si Pangalian ng banta ng karahasan matapos maaresto ang apat niyang tauhan ng Moro Islamic Liberation Front at itinurn-over sa Army, kabilang ang mga nasabat na armas.

Ayon kay Alimoda, nakapagtala ang municipal disaster risk reduction and management office ng bayan ng 3,500 pamilya, o halos 21,000 indibidwal, na lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Pansamantala silang nanatili sa Malabang, Picong, Balabagan, Binidayan, Bayang, at Lumbaca Unayan.

“Added to the fears and apprehension of those who stayed behind was the lack of supplies, particularly food items, as most of the (initial) evacuees were business people/vendors who brought along with them the merchandise,” pahayag ni Alimoda.

Nag-deploy naman ang mga pulis at militar ng karagdagang pwersa sa bayan upang bantayan ang anumang pananabotahe ng DI. RNT/SA