Home ENTERTAINMENT Vivamax, nagbunyi sa 7M subs!

Vivamax, nagbunyi sa 7M subs!

Manila, Philippines – Nasa festive mood ang buong Viva family sa pagkakasungkit ng 7M subscribers ng streaming app na Vivamax in two years. Taong 2021 nang sinimulan ang Vivamax.

Present sa selebrasyon na ‘yon ang Viva bosses na sina Boss Vincent at Mam Valerie del Rosario.

Ang Viva ay isang malaki at matibay na institusyon sa industriya ng pelikula.

Ayon kay Boss Vincent, “Malinaw ang personality ng platform, hindi siya ‘mestiso’. “Very affordable din ang subscription rate. “Bukod dito, walang linggo na walang bagong pelikula kaya alam mo na hindi harang ang platform.”

‘Yan ang ilan sa mga trade secrets ng ibinahagi ng Vivamax patriarch kung bakit naabot nila ang 7M subs.

Bukod dito ay marami-rami na rin silang na-discover na artista at napasikat sa mundo ng naturang streaming app. Ilan na nga dito ay sina AJ Raval, Azi Acosta, Cristine Bermas, Angeli Khang, Ayanna Misola at iba pa.

“Tuloy lang ang trabaho. This is a little way of providing fuel sa industry,” sabi pa ni Boss Vincent.

Nagbigay din ng pahayag si Mam Valerie sa sinasabi ng mga showbiz veteran na pinapatay mg streaming app ang traditional cinema.

“Ang Vivamax at ang traditional film, walang conflict. Dapat mag-co-exist ang streaming at ang cinema. Iba ang cinema experience and iba rin ang mobile experience,” paliwanag ni Mam Val.

FYI, sa 7M subs ng Vivamax ay forty percent nito ang active users

Ang nasa top 3 naman na most viewed film sa Vivamax ay ang Pamasahe at Suki na parehong pinagbibidahan ni Azi. At ang Paglaki ko Gusto kong maging Pornstar.

Sa loob ng walong buwan simula nang itinatag ang Vivamax noong Pebrero 2021, umabot agad sa 1M ang subscribers nito. Sa pagpasok ng January 2022, meron na itong 2M subscribers. Bago matapos ang taong 2022, ang bilang ng subscribers ay umakyat na sa 5M.

Alam naman ng lahat na ang Vivamax ay may captured audience na dahil wild and sexy ang kadalasang tema ng mga content kaya naman nagtatag pa ang Viva ng isa pang streaming platform na pampamilya at pambata, at ito ay ang Viva One.

Ang Viva One ay ipinakilala nitong February 2023 at sa loob ng tatlong buwan ay meron na agad itong 500,000 subscribers. JP Ignacio

Previous articlePagsibak sa 140 empleyado ng Nestle Philippines, pinaiimbestigahan sa Kamara
Next articleResidente ng bayan sa Lanao del Sur, umuwi na sa paghupa ng banta ng karahasan