Home METRO Residential area sa Maynila nagliyab!

Residential area sa Maynila nagliyab!

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa San Nicolas, Manila nitong Biyernes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nagsimula ang sunog sa Parola Compound ng alas-11:33 ng umaga at umabot sa third alarm ng alas-11:51 ng umaga.

May kabuuang 13 fire trucks at isang ambulansya ang rumesponde sa lugar upang apulahin ang apoy at asistihan ang mga posibleng biktima, base sa BFP.

Idineklarang under control ang sunog ng alas-12:55 ng hapon. RNT/SA