Home HEALTH Mas epektibong gamot sa TB inilabas

Mas epektibong gamot sa TB inilabas

MANILA, Philippines- Inilunsad sa Asia-Pacific region ang mas mabilis at mas epektibong gamot para sa tuberculosis (TB)–na nagapapataas ng pag-asa ng isang “bagong panahon” sa pagharap sa isa sa mga pinakanakamamatay na nakakahawang sakit sa mundo.

Nasa rehiyon ang karamihan sa tinatayang 10.6 milyong bagong kaso ng TB sa buong mundo noong 2022, at higit sa kalahati ng 1.3 milyong namatay, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO).

Maari namang matagumpay na magamot ang TB sa pamamagitan ng mga antibiotic, higit sa tatlong porsyento ng mga bagong pasyente ng TB ay lumalaban sa pamamagitan ng karaniwang inireresetang gamot.

Isang bagong regimen ng gamot na kinasasangkutan ng mas kaunting mga tabletas at mga side effect ang inilunsad sa Asia-Pacific, kabilang ang Pilipinas, Vietnam at Indonesia kung saan ang nagpapakita ang trials ng higit 90 porsyentong cure rate matapos ang anim na buwan.

Sa gamot na kilala bilang BPal, pinagsama-sama ang antibiotic na bedaquiline, pretomanid at linezolid at nakatanggap ng pag-apruba ng regulasyon sa higit 60 bansa, ayon sa non-profit TB Alliance na bumuo nito.

Noong 2022, naglabas ng update ang WHO na nagpapahintulot sa paggamit ng BPal mayroon o wala mang fourth antibiotic na moxifloxacin. Jocelyn Tabangcura-Domenden