Home NATIONWIDE Pinas, Japan magsasagawa ng 2+2 foreign, defense meeting sa 2024 – DFA

Pinas, Japan magsasagawa ng 2+2 foreign, defense meeting sa 2024 – DFA

MANILA, Philippines- Magpapatawag ang Pilipinas at Japan ng isang ‘2+2’ ministerial meeting ngayong taon upang bumuo sa mabilis na paglaki ng “economic at defense cooperation.”

Isinagawa ang pag-anunsyo sa pagpupulong nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa sa margins ng makasaysayang trilateral leaders’ summit ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos, araw ng Huwebes.

“The two Foreign Ministers discussed the Philippine-Japan Strategic Partnership and noted that the bilateral relations are currently at the highest level,” ang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang kalatas.

“They also noted the deepened defense and security cooperation between the two countries through existing dialogue mechanisms in various areas,” dagdag na pahayag ng departamento.

Tinuran pa ng DFA na ang Manila ang magho-host ng Foreign Affairs and Defense Meeting (2+2) ngayong taon subalit wala pang partikular na petsang tinukoy para rito.

Ito ang pangalawang 2+2 meet sa pagitan ng dalawang estado kasunod ng inaugural na idinaos sa Tokyo noong Abril 2022.

Sa naging pulong ng Kalihim kay Kamikawa, kinilala ni Manalo ang posisyon ng Japan bilang “one of the Philippines’ most dependable partners” sa lahat ng pang ng bilateral relations nito.

Tinukoy nito ang malaking ambag ng Tokyo pagdating sa Official Development Assistance (ODA), maritime security, kalakalan at pamumuhunan at sa Official Security Assistance (OSA).

Sa OSA, nilagdaan noong 2023, pinapayagan ang Pilipinas na makakuha ng coastal radar system na magpapasigla sa maritime domain awareness capabilities ng Philippine Armed Forces (PAF).

Para kay Kamikawa, muling pinagtibay nito ang pangangailangan na ipagpatuloy na palakasin ang “multi-layered network of cooperation” ng dalawang bansa “bilaterally at trilaterally” kasama ang Estados Unidos.

“As the world is facing the complex set of crises, it is extremely important to strengthen multilayered network of cooperation through Japan-Philippine bilateral and Japan-US-Philippine trilateral cooperation in order to both maintain and strengthen a free and open international order based on the rule of law, and promote regional economic and regional development as well as address the world issues together,” litaniya nito.

Pinag-usapan din ng dalawang foreign ministers ang West Philippines Sea. Pinasalamatan ni Manalo ang Japan para sa “firm and unequivocal support” sa posisyon ng Pilipinas sa maritime rights at jurisdiction, kabilang ang freedom of navigation.

Tinalakay din ng mga ito ang regional at international issues, gaya ng Gaza at disarmament matters, lalo na ang Fissile Missile Cut-Off Treaty, kapayapaan sa Korean peninsula, at ang East China Sea.

Samantala, nakatakda namang ipagdiwang ng Pilipinas at Japan ang 70th anniversary ng kanilang diplomatic relations sa 2026. Kris Jose