Home METRO Residential area sa Tondo, Maynila nasusunog

Residential area sa Tondo, Maynila nasusunog

290
0

MANILA, Philippines – Itinaas na sa ikatlong alarma na ang sunog na nagaganap ngayon sa isang residential area sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga residente sa lugar, bahagi ng Inocensio at Trinidad Street na sakop ng Barangay 91 at 93 ang natutupok na mga kabahayan.

Sa inisyal na impormasyon, bago alas-11 ng umaga nang sumiklab ang sunog.

Patuloy na inaapula ngayon ang sunog na katabi lamang din ng covered court.

Ilang mga residente na ang tumulong sa mga bumbero na apulahin ang sunog kung saan sa Ilog o estero na rin kumukuha ng tubig na pambuhos.

Kaniya-kaniya namang hakot ng gamit ang mga residente upang hindi madamay sa apoy.

Sa ngayon nagpapatuloy ang sunog at lalo pang lumalaki. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here