MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Council on Disability Affairs (NCDA) sa mga negosyo at iba pang stakeholders na magbigay ng reasonable accommodations at tamang pagtrato sa persons with disabilities (PWDs), na binigyang-diin na karapatan ito ng mga PWD.
“We are reminding all establishments that you have to be considerate and to provide reasonable accommodations to persons with disabilities because it is their right as a person with disability,” ani NCDA spokesperson Walter Alava sa isang media forum sa DSWD Central Office sa Quezon City nitong Huwebes.
Ginawa ang pahayag kasunod ng insidente kung saan ang isang batang may autism ay pinakain sa labas ng isang coffee chain sa isang mall sa Pampanga dahil sa “no outside food” policy, na nagdulot ng reaksiyon mula sa publiko matapos mag-viral ang mga larawan nito online.
Ipinaliwanag ni Alava na sa ilalim ng Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons, kinakailangan ang reasonable accommodations, kabilang ang mga kinakailangang adjustments sa facilities, workplaces, schedules, assistive technologies, at policies upang maprotektahan ang karapatan ng mga PWD.
“Nakalagay talaga doon na dapat maging considerate tayo, at dapat maglalagay tayo ng (It is explicitly provided there that we be more considerate and provide an) avenue for persons with disabilities. So, we are calling for the review po of the ‘no outside food’ policy, and then, we will be taking with the different member agencies din natin kasi NCDA is a council,” ani Alava.
Nakikipagtulungan din ang NCDA sa Persons with Disability Affairs Offices at private partners upang magsagawa ng disability-sensitivity training sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang online learning system.
Iginiit ng DSWD at NCDA ang kanilang commitment na tiyaking nirerespeto at napoprotektahan ang karapatan ng mga PWD. Santi Celario