Home NATIONWIDE Responsableng paggamit ng AI planong isama sa curriculum ng DepEd

Responsableng paggamit ng AI planong isama sa curriculum ng DepEd

MANILA, Philippines – INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na nakatakda nitong baguhin ang national curriculum para maisama ang pagsasanay hinggil sa paggamit ng artificial intelligence (AI).

“Soon, babaguhin na rin natin ‘yung ating curriculum para matutong gumamit ng A.I. ang mga bata at matutong gumamit ng A.I. ‘yung mga guro natin. ‘Yan ang pagbabagong ina-anticipate natin sa darating na mga taon,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara.

Ang hakbang na ito ay sa gitna ng lumalagong paggamit ng mga estudyante ng AI tools, ang ilan ay palihim at parehong mga tagapagturo.

Sa kabilang dako, sa report ni Vonne Aquino sa Unang Balita, isang college sophomore na nagngangalang “John” ang umamin na pakihim siyang gumagamit ng AI para kompletuhin ang kanyang mga takdang -aralin.

“Nagse-search po ako ng topic tapos, doon po is kinukuha ko po ‘yung text,” ayon kay alyas John.

Para maiwasan na matuklasan, pinaghahalo niya ang AI-generated content at bng kanyang sariling ideya.

“Hinahaluan ko ng konting sariling opinion ko po,” aniya pa rin.

Samantala, naniniwala naman si Dr. Jhennie Villar, dean at program chairperson sa lokal na unibersidad, na binago ng AI ang Philippine education — ngunit may mga limitasyon.

“Karaniwan, ginagamit ito bilang gabay pero hindi bilang sagot sa kabuuan kasi kailangan pa rin natin ng critical thinking, kailangan pa rin natin na mag-aral…,” ang tinuran ni Villar.

Aniya, sa kanilang unibersidad, ang AI-generated content ay limitado sa 15% ng undergraduate theses at research papers. Ang Detection tools ay nasa ayos para mapigilan ang maling paggamit.

Sa ulat, habang nakasaad sa general rule na hindi pinapayagan ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase, suportado naman ng DepEd ang paggamit ng electronic devices kapag isinama sa pag-aaral.

Sa reyalidad, ang digital gadgets ay naging essential classroom tools sa maraming public schools—lalo na kapag kulang sa physical textbooks, workbooks at reference materials.

Marami ring mag-aaral ang nagda-download ng learning modules, nagbabasa ng e-books, at sumasali sa class group chats kung saan ang assignments at reminders ay naka-post. Kris Jose