Home ENTERTAINMENT Resto ni David, may ‘racial’ issue!

Resto ni David, may ‘racial’ issue!

Manila, Philippines – May halong Chinese blood si David Licauco, obyus naman sa kanyang pangalan.

Sa historical teleserye niya sa GMA, David plays Tanaka–isang Hapones naman.

On the business side, nalilinya naman sa Korean cuisine ang aktor.

Operational na kasi ang kanyang resto business na Kuya Korea sa harap ng Smart Araneta Coliseum.

Tuloy, hindi maiwasang isipin ng kanyang mga tagahanga na nag-ipun-ipon ang iba’t ibang dugo na dumadaloy sa mga ugat ni David.

Imagine nga naman, born of Chinese descent playing a Japanese role and putting up a Korean business!

Anyway, ikinatuwa nga ng kanyang mga fans ang bagong branch sa Araneta Center.

Anila, meron na raw silang tatambayan pag may mga events in the vicinity.

‘Yun nga lang, sana raw sa kanilang pagtambay sa Kuya Korea ay malaman nila ang eksaktong oras na nandoon si David.

Siyempre, excited silang magpa-photo op sa aktor.

Incidentally, patunay na patuloy ang paglago ng resto business ni David ay ang isinagawa niyang survey.

Nais kasing malaman ng aktor mula mismo sa mga faney niya kung saan gusto ng mga ito na magtayo ng iba pang branch across the country.

Which occurs to us na sa maraming bagay ay nagkakapareho si David at ang kanyang co-star sa Pulang Araw na si Alden Richards.

Pareho kasi silang nalilinya rin sa resto/fast food busines while going great guns ang kanilang showbiz career.

Bongga! Ronnie Carrasco III