Home METRO Bulkang Taal kumalma na; balik-eskwela sa Batangas schools

Bulkang Taal kumalma na; balik-eskwela sa Batangas schools

MANILA, Philippines- Nagbalik na ang klase sa karamihan sa mga paaralan sa Batangas nitong Miyerkules, Agosto 21, 2024.

Tumagal ang suspensyon ng dalawang araw dulot ng volcanic smog, o vog, na nakaapekto sa mga eskwelahan sa Batangas at mga karatig-probinsya.

Suspendido pa rin ang face-to-face sa ilang munisipalidad sa Laguna, kabilang ang Magdalena, Pagsanjan, Santa Cruz, at Cavinti.

Sa lalawigan ng Rizal province, suspendido ang klase sa Jalajala, Pililla, at Taytay.

Hanggang nitong Agosto 21, kumalma na ang aktibidad ng bulkang Taal, kung saan maoobserbahan ang paghupa ng volcanic smog.

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sulfur dioxide emission na 5,100 tons mula sa bulkan, na walang bagong namumuong vog.

“Very weak ‘yung steam. Weak kasi madaling maano, madaling ma-disperse and then hindi mataas,” ani Teresito ‘Toto’ Bacolcol, direktor ng DOST-PHIVOLCS.

Matatandaang naghigpit sa boating activities sa Talisay, Batangas, subalit kinalos na ang mga restriksyon.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng local government units (LGUs) ang caretakers ngf fish cages na tumalima sa itinakdang window hours sa pagpapakain ng isda sa Taal Lake.

“Mula alas sais ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon ay dapat sila’y makabalik na sila dito sa mainland para hindi naman makaapekto sa kanilang kalusugan din,” ani Alfred Anciado, Municipal Administrator ng Talisay.

Mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ang overnight stays sa mga isla o mga lugar na natukoy bilang permanent danger zones. RNT/SA