Home NATIONWIDE Resulta ng halalan nagpapakita ng pagpili ng mga Pinoy sa ‘good governance’...

Resulta ng halalan nagpapakita ng pagpili ng mga Pinoy sa ‘good governance’ – DILG Sec

MANILA, Philippines- Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang resulta ng kamakailan lamang na eleksyon sa bansa ay pagpapakita na mas pinili na ngayon ng mga Pilipino ang ‘good governance’ o mabuting pamamahala.

Sinabi ni Remulla na ang resulta sa eleksyon ay nag-iba sa pre-election surveys at maraming nanalong kandidato ang natalo ang may malalaking pangalan sa politika sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon.

Sinabi pa rin ng Kalihim na indikasyon lamang ito na ang mga botante ay mas pinili ngayon ang ‘open at good governance.’

Winika pa nito na ang boto ay hindi lamang isang boto para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, subalit boto ito ng tao para sa pagbabago at pananagutan.

“What came out of the polls was extraordinary. What came out of the local elections was extraordinary. I have a different view. It was not a binary elections. It was not one family or the other. It is not about the current president versus the family of the former. It was not a binary choice, the choice was about governance,” ani Remulla.

Kapansin-pansin din aniya na hindi rin pumili ang mga botante ng maraming political dynasty at sa halip ay bumoto para sa alternatibo sa ilang lugar.

“Dynasties fell and new ones are emerging. Every dynasty has one common feature- they stay too long, they govern too much, and they held everything in closed doors. More than ever, we need local governance,” wika ng opisyal.

Winika pa ng Kalihim na ang open governance ay kailangan na maipatupad ng local government units.

“Isa sa mga pinakamalaking leksyon na natutunan ko ay basta open governance, ayaw na ayaw ng local government yan… That’s why we’re here, we need open governance,” ang tinuran pa rin ni Remulla. Kris Jose