MANILA, Philippines- Nanumpa na sa kanyang gagampanang tungkulin si Manila Mayor elect Isko Moreno Domagoso bago ang dapat na nakatakdang “oath-taking” nito sa Hunyo 30.
Kinumpirma ng Transition Team ni Domagoso na nanumpa ito sa harap ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr. bilang bagong alkalde ng Maynila nitong Mayo 19, 2025, sa ganap na alas-2 ng hapon sa Supreme Court En Banc Session Hall sa Ermita, Manila.
Kasama ni Domagoso ang kanyang asawang si Dynee; kanilang mga anak, sina Patrick, Frances, at Franco gayundin ang 1st District Councilor-elect ng Manila na si Joaquin Domagoso, na nanumpa rin sa harap ni Justice Kho.
Sinabi ni incoming Manila City Information Officer E-jhay Talagtag na pinili ng bagong alkalde ang isang simpleng seremonya para markahan ang kanyang pagbabalik sa Manila City Hall.
Humingi ng paumanhin si Mayor Domagoso sa mga gustong dumalo at ipinaliwanag nito na nilalayon niyang mabilis na matapos ang oath-taking para makapagsimula kaagad siya sa trabaho sa Hunyo 30 ng tanghali.
Desidido ang administrasyong Domagoso na huwag mag-aksaya ng anumang oras, dahil ang Lungsod ng Maynila ay nahaharap sa maraming hamon na nangangailangan ng agarang atensyon at pagtugon.
Ang napakalaking suporta na natanggap niya mula sa mga botante ay sumasalamin sa matinding pagnanais ng mga ManileƱo na ibalik ang isang 24/7 na gobyerno na kilala sa mabilis na pagkilos at epektibong solusyon. JR Reyes