Home NATIONWIDE Resulta ng halalan, posibleng dumaan sa illegal server – grupo

Resulta ng halalan, posibleng dumaan sa illegal server – grupo

338
0

MANILA, Philippines – Ikinabahala ng isang grupo ang posibilidad na may ilegal na server na ginamit sa pagpapadala ng resulta ng halalan matapos ang 2025 Philippine elections.

Ayon sa Alyansa na Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) at Church Leaders Council for National Transformation, dumaan muna sa isang server na tinatawag na Data Center 3 ang mga election returns bago ito ipasa sa mga watchdog, partido politikal, at media.

Tinawag naman itong ilegal ni Atty. Alex Lacson ng ANIM.

“Itong data center 3, ito ang nagpadala sa PPCRV ng NAMFREL, media server, dominant majority political party, dominant minority political party. So, the presence of this is illegal and unlawful. Itong Data Center 3, ito din yung nagkonsolidate ng all election returns from all precincts nationwide all by itself,” ani Lacson.

Itinanggi naman ng Commission on Elections (Comelec) ang alegasyon at sinabi na diretso mula sa presinto ang resulta papunta sa mga tumatanggap.

Inireklamo rin ang mga grupo tungkol sa mga balot na umano’y pre-shaded na bago iboto at mga diperensya sa boto at resibo ng mga botante.

Sinabi ng Comelec na dapat may opisyal na reklamo para ito mapag-aralan at ang mismong balota ang pinakamabisang ebidensiya.

“Kahit po sa website namin, alas siete ng gabi, available na po sa website ang lahat ng mga pinapadalang election returns. Ang dali naman po nilang i-verify kung tumutugma yung election returns na nasa website ng Comelec na real time versus yung nakuhang kopya ng election returns na hard copy o yung napikturan sa labas ng presinto. Wala pong intermediary server. Direct po,” ani Comelec chairperson Garcia.

May mga election protest na rin na naisampa, kabilang ang kay dating alkalde ng Cebu City na si Mike Rama, na nagdududa sa sistema ng automation ng halalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here