Home NATIONWIDE 2 nanay arestado; 4 anak iniwan sa parking habang nagwawalwal

2 nanay arestado; 4 anak iniwan sa parking habang nagwawalwal

227
0

Arestado ang dalawang ina sa Glendale, Arizona matapos iwan ang kanilang apat na anak — kabilang ang isang sanggol — sa isang parking area habang sila ay nasa bar.

Dakong alas-11 ng gabi, nakatanggap ng ulat ang pulisya mula sa mga nagmalasakit na residente na nakakita sa dalawang batang pagala-gala at nakarinig ng umiiyak na sanggol sa loob ng sasakyan.

Ayon sa bodycam footage, natagpuan ng mga pulis ang dalawang mas nakatatandang bata sa labas ng kotse, habang ang sanggol at isang paslit ay nasa loob, umiiyak.

Nang bumalik ang mga ina, pareho nilang idinahilan na nagbanyo lamang sila. Ngunit hindi naniwala ang mga pulis, dahil higit 45 minuto na silang naroon. Kalaunan, umamin ang isa sa mga ina na pumasok sila sa bar para uminom.

Nadiskubre rin ng mga pulis ang marijuana sa glove compartment ng sasakyan.

Sa kabila ng pakiusap ng mga ina na huwag silang arestuhin at huwag ilayo ang mga anak, itinuloy ang kanilang pag-aresto at haharap sila sa iba’t ibang kaso ng pagpapabaya sa bata.

Inilipat na sa pangangalaga ng ahensya ng gobyerno ang mga bata upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Pinuri ng Glendale Police Department ang mga mamamayang tumulong, at nagpaalala na ang pag-iwan ng bata, lalo na habang nasa impluwensya ng alak o droga, ay ilegal at mapanganib. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here