Home NATIONWIDE P7K multa, 90 days suspensyon ng lisensya malugod na tinanggap ni Yanna

P7K multa, 90 days suspensyon ng lisensya malugod na tinanggap ni Yanna

143
0

MANILA, Philippines – Tinanggap ng motovlogger na si Yanna Aguinaldo, kilala bilang “Yanna Motovlog,” ang ipinataw na parusa ng Land Transportation Office (LTO) matapos siyang masangkot sa viral na insidente ng road rage sa Masinloc, Zambales.

Pinagmulta si Aguinaldo ng ₱5,000 dahil sa paggamit ng motorsiklong walang side mirror, at ₱2,000 para sa reckless driving. Sinuspinde rin ang kanyang lisensiya ng 90 araw.

Hindi siya dumalo sa pagdinig ng LTO, ngunit sa kanyang pahayag, sinabi niyang hindi na niya kinuwestyon ang desisyon upang magpatuloy nang may integridad.

Giit niya, walang matibay na ebidensiyang nagpapatunay ng kanyang kasalanan, ngunit umaasa siyang mas pagtuunan ng pansin ng LTO ang mas seryosong isyu sa kalsada tulad ng overloaded na truck at mapanganib na road hazards.

Base sa video na siya mismo ang nag-upload, nakita ang kanyang delikadong pag-overtake at ang kawalan ng side mirrors sa motorsiklo. Humingi rin siya ng paumanhin sa pickup driver na kanyang nakabanggaan ng loob.

Matapos ang insidente, na-deactivate ang kanyang Facebook page, ngunit nananatiling aktibo ang kanyang YouTube channel. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here